NO.2 si Muguruza, ngunit player of the year ng ITF. (AP)
NO.2 si Muguruza, ngunit player of the year ng ITF. (AP)

LONDON (AP) — Tinaghal na Player of the Year sina Rafael Nadal at Garbine Muguruza ng International Tennis Federation.

Sa edad na 31, si Nadal ang pinakamatandang player na naging kampeon sa ITF men’s world champion matapos magwagi ng kanyang ika-10 French Open at ikatlong US open title sa taong 2017.

Ang Spaniard superstar ang pinakamatandang player na naging No. 1 mula nang gamitin ang ATP rankings noong 1973.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Matikas naman ang panalo ni Muguruza para sa kauna-unahang Wimbledon title at tinapos ang taon bilang No.2 sa likod ni Simona Halep.

“Becoming ITF world champion in such a competitive year is amazing for me,” sambit ni Muguruza, isa ring Spanish.

“(Nadal) is a great role model for all of us, so it is a great moment for tennis in Spain.”