Ni Nitz Miralles
PATI pala si Ryza Cenon nanalo ng acting award mull sa OFW Gawad Parangal 2017 para pa rin sa Ika-6 Na Utos. Nanalong best supporting actress si Ryza dahil sa mahusay at nakakainis na pagganap sa role ni Georgia, ang babaing kabit na ipinaglalaban ang asawang hindi sa kanya.
Ito ang unang acting award ni Ryza na matagal niyang inasam.
Worth it kung ganoon ang bashings at threats kay Ryza na ikinasasakit ng loob niya dahil galit na galit sa kanya ang viewers na para bang totoo na ang karakter niya gayong ginagampanan lang naman niya. Mula sa simula kasi ng kuwento ng Ika-6 Na Utos hanggang ngayon, pasaway pa rin si Georgia.
“Hindi ko alam kung pano ko s’ya sisimulan. Pero una sa lahat gusto ko magpasalamat kay God, thank you kasi all throughout alam ko Ikaw ang hindi nawalan ng tiwala sa kakayahan ko, salamat. Sa itinuturing kong mga bayani, ang mga OFW sa parangal at tiwala na binibigay no sa akin. Nakakaiyak!!! Thank you @gmanetwork & @artistcenter @ggslara @bossenteng sa tiwala sa akin niyo ibinigay si Georgia. Sa mga nagturo at nagpalakas ng loob ko, Direk @lauriceguillen (my mentor), Direk @lorereyes1, Ms @kamille_ph, sa team Georgia glam team, sa lahat ng staff and crew ng ika-6. Sa co actors ko salamat sa tulong po. Nanay Odett (Loleng)!!! Ito na po! At sa mga inspirasyon ko at naging takbuhan ko, baby @pocholobarretto @vivaartistagency Boss @veroniquecorpus salamat, Cindy salamat sa inyo. Sa mga supporters ko at haters ni Georgia salamat po. ‘Yang award na ‘yan para sa inyong lahat. Salamat mga Kapuso. Mahal ko kayo.”