MATAPOS ang ginawang draw sa King Hussein Bin Talal Convention Center sa Jordan, napabilang ang Philippine Women’s National Football Team sa grupong kinabibilangan ng host Jordan, China at Thailand para sa darating na 2018 Asian Women’s Cup sa Abril 6-26,2018 sa Jordan.

Nauna nang nag-qualify ang mga Pinay sa qualifier na ginanap sa Tajikistan.

Ang China at Thailand ay kapwa lumahok noong 2015 FIFA Women’s World Cup na ginanap sa Canada. Umabot ang China sa quarterfinals habang na -eliminate naman ang Thailand sa group stage.

Sa pinakahuling inilabas na FIFA Women’s World Rankings, ang China ay no. 13 habang pang -29 naman ang Thailand.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Huling naglaban ang Thailand at Philippines noong nakaraang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan namayani ang Thais, 3-1.

Ang host Jordan naman ay may world ranking na 50th.

Huli silang nakalaban ng Philippine women’s team noong Abril 12, 2017 sa Women’s Asian Cup qualifiers kung saan nagwagi ang huli, 5-1.

Sa kabilang grupo, magkakasama naman ang South Korea, Australia, Vietnam atJapan.

Target ng Pinay booters na mag -qualify sa 2019 FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa France.

May limang slots na nakalaan sa torneo kaya magiging sapat na ang fifth place finish para sa isang koponan partikular sa Pilipinas upang makasiguro ng isang tiket. - Marivic Awitan