Ni LIEZLE BASA IÑIGO, Mga larawang kuha ni JOJO RIÑOZA

NAGING sentro ng atraksiyon nitong nakaraang Biyernes sa Calasiao, Pangasinan ang napakalaking rice cake mosaic na ilalahok sa Guinness World of Records.

thumbnail

Kung ang world record sa largest rice cake mosaic ng Japan ay 64 square meters, natalbugan na ito ng niluto ng Calasiao na mat sukat na 209.3776 square meters.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ginawa ang napakagandang mosaic sa loob ng halos tatlong araw na katumbas ng

34 oras, simula Disyembre 5 hanggang December 8 sa Calasiao Sports Complex bago ito idinispley sa plaza.

At nagdesinyo ng mosaic ng rice cake ay ang mahusay na artists ng Pangasinan na si Kel Cruz. 

Kilala si Kel sa pixel art mastering photo mosaics na ang mga materyal na ginagamt ay lipstick, masking tape, stamp pads, at iba pa.

Ang napakagandang mosaic na may imahe ng maglolo ay gumamit ng kabuuang 360,000 na piraso ng maliliit na puto.

“The image, depicting older generation passing the torch to younger ones and passing on the industry’s future to the next generation to nurture and grow better,” pahayag ni Vanjie Padilla, ang event coordinator.

Magkatuwang din sina Mayor Armando Bauzon at Vice Mayor Mahadeva Das Mesina sa matagumpay na Puto Festival na ang pinakatampok ay ang paglahok sa world record ng largest rice cake mosaic.

[gallery ids="277786,277787,277788,277789,277790,277791,277792,277793,277794,277795"]