Magiging full blast na ang kampanya para lumipat sa federal system form of government ngayon kasunod ng induction at oath-taking ng mga opisyal ng National Alliance of Movements for Federalism (NAMFED) sa Marriot Hotel, Cebu City kahapon.

Pinanumpa ni Presidential Legislative Liaison Office Secretary Adelino B. Sitoy ang unang set ng mga opisyal ng NAMFed sa pamumuno ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo D. Lim at iba pang mga samahan na sumusuporta sa federalism.

Sinabi ni Lim na pursigido ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paglilipat sa federalism bilang porma ng gobyerno upang matugunan ang isyu ng kahirapan at underdevelopment lalo na sa mga rehiyon upang masolusyunan ang matagal nang rebelyon sa Mindanao at masugpo ang katiwalian.- Nestor L. Abrematea

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga