Ni Niño N. Luces

PILI, Camarines Sur – Sinimulan noong Biyernes ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagkumpuni ng flood monitoring equipment sa Bicol River.

Sinabi ng PAGASA Administrator Vicente Malano na 34 taon na ang Flood Forecasting and Warning System na nagmomonitor sa 317,103-ektaryang Bicol River basin.

Kabilang sa Dumalo sa groundbreaking ng proyekto na ginawa sa Central Bicol State University of Agriculture dito sina Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, PAGASA Administrator Vicente Malano, PAGASA Deputy Administrator Landrino Dalida Jr, Camarines Sur Governor Migs Villafuerte, at Juke Nuñez ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sinabi ni Malano na papalitan ang mga hindi na gumaganang monitoring stations, magdaragdag ng gauging stations at aayusin ang multiplex radio network system upang mapabilis ang pag-alerto kapag may baha sa Bicol River basin.

Magtatagal ang proyekto ng 15 buwan.

“Siguro by December next year, tapos na ito, may mga bago na tayong mga instrument dito sa Bicol River Basin forecasting center,” ani Malano.

“Binigyan tayo ng rating na ‘A’ ng mga Hapon sa pagmi-maintain ng ganitong mga ekepahe. Sa tagal ng panahon, kaya naman siguro nagbigay sila ng grant para ma-improve yung ating mga equipments sa pagmomonitor ng ula, baha dito sa kabikolan,” dagdag niya.

Nagbigay ang Japan ng 900 million yen or about 450 million na grant para sa proyekto, sabi ni Malano.

“Ang monitoring station sa Albay ay magbibigay ng information sa Pili Sub Center Repeater then tuloy na po yan sa main office namin sa Manila para sa analysis kung magbibigay ba ng abiso o iaalerto yung mga barangay sa Bicol River basin” sabi ni Malano.