Joana at Rachel
Joana at Rachel

Ni REMY UMEREZ 

ANG huling musical movie na aming napanood at naibigan ay ang Doo Bi Doo Bi Doo na nagtampok sa mga sikat na awitin ng Apo Hiking Society as interpreted by Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Sam Concepcion at Eugene Domingo na pawang may malalaking roles sa pelikula. Hindi ito ganong kinagat ng moviegoers dahil sadyang hindi klik sa Pinoy audience ang musicals. Exception na lang ang The Sound of Music, a certified blockbuster noong ipalabas ito sa bansa fifty years ago.

Kamakailan, nagustuhan at dinumog din ng Pinoy moviegoers ang La La Land.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang Larawan, na newest Pinoy musical, ay isa sa official entires sa MMFF ngayong Disyembre. Hinango ito sa dulang The Portrait of an Artist as Filipino ni Nick Joaquin. Isinapelikula na ito noong dekada 50 at idinirihe ni Bert Avellana. Naisadula rin ito ng PETA sa entablado sa Intramuros at itinampok bilang Marasigan sisters Paula at Candida ang mga premyadong actress na sina Charito Solis at Lolita Rodriguez. Ang role ng binatang nag-seduce  kay Paula ay ginampanan ni Phillip Salvador na ngayon ay ipinagkatiwala kay Paolo Avelino. Sina Joanna Ampil at Rachel Alejandro ang gumaganap bilang Marasigan sisters.

Ang setting ng istorya ay pre-World War II Intramuros at umiikot ito sa pagtanggi ng magkapatid na ipagbili ang painting  ng kanilang ama na malaking tulong sana sa kanilang paghihirap. Pagbabalik-tanaw ito sa kultura at tradisyon noong panahon ng giyera na waring nabaon na sa limot.

Highlight ng Larawan ang La Naval procession dahilan para mabigyan ng Grant  mula sa Quezon City Film Development Commission ang producers ng pelikula.  Ang Our Lady of the Most Holy Rosary La Naval ay Patroness ng QuezonCity.

Showing ang Larawan nationwide simula December 25.