Ni Nitz Miralles

HECTIC ang social calendar ni Alden Richards. Kahapon, nagninong siya sa binyag ni Baby Talitha Maria, anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Bago ang binyag, “Kumpare” na ang tawagan nina Vic at Alden kahit on air sila sa Eat Bulaga.

Alden copy

Ang balita namin, ilang pares lang ang kinuhang godparents nina Vic at Pauleen para sa baby nila, ibig sabihin, malaki ang respeto nila kay Alden kung bakit napili nila itong isa sa maging ninong ng baby girl nila.

Human-Interest

UST, ibinida grades ni Dr. Jose Rizal bilang mag-aaral ng Medisina

Bukas naman, December 12, best man si Alden sa kasal nina Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas, kasama ang anak ng komedyana na si Sancho Vito. Members ng kani-kanyang pamilya at matagal nang mga kaibigan ng mga ikakasal ang kabilang sa entourage, mapalad si Alden na ibilang siyang malapit sa mga ikakasal at mapiling isa sa tatlong best men.

Sa career naman niya, tuluy-tuloy pa ring napapanood sa Eat Bulaga si Alden at ipinalabas last Saturday ang guesting niya sa Celebrity Bluff. More guesting pa ang request ng kanyang fans bago mag-Christmas vacation at bago lumipad for Japan si Alden at ang kanyang pamilya.

Excited na rin ang fans ng aktor sa pagbabalik niya sa paggawa ng telesereye next year. Inaabangan na kung ano ang story, kung sino ang director at kung sino ang mga makakatambal at iba pang co-stars ni Alden. Kung marami ang excited, marami rin ang

Naghihintay para ma-bash si Alden, ang GMA-7 at ang makakapareha ni Alden, ito ay kung may leading lady nga siya sa teleserye.