Inihayag ng Philippine National Police (PNP) ang pagbalasa sa anim na matataas na opisyal na itinalaga sa mga bagong posisyon.

Nagkaroon ng rigodon sa PNP bunga ng pagreretiro sa serbisyo ng ilang heneral.

Tinukoy ni Chief Supt. Dionardo Carlos, Spokesperson ng PNP, ang mga nagretirong opisyal na sina Police Director Manuel Felix ng DIPO-Western Mindanao at si Chied Supt. Randolf Delfin ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Ang mga opisyal na itinalaga sa kanilang bagong pwesto ay sina Chief Supt. Cedrick Train, bilang director ng DIPO, Western Mindanao; Chief Supt. Marcelo Morale, bagong regional director ng PRO-12; Chief Supt. Rodelio Jocson, bilang bagong director ng Maritime Group; Chief Supt. Renato Angara, bilang director ng Information Technology Management Services (ITMS); Chief Supt. Joseph Adnol, director ng Philippine National Police Academy (PNPA); Senior Supt. Albert Ferro bilang director ng PNP Drug Enforcement Grou; Senior Supt. Petronelli Baldebrin, bagong director ng PNP Cagayan Valley.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sinabi ni Carlos na hinihintay na lamang nila ang kopya ng official order mula sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM). - Fer Taboy