Ni Liezle Basa Iñigo

UMINGAN, Pangasinan - Dalawa ang patay at isa ang sugatan sa pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Umingan at Binmaley, Pangasinan.

Sa ulat kahapon ng pulisya, nakilala ang napatay na sina Mike Manolo Limjoco, 38 ng barangay San Leon, Umingan, at Fernando Cayabyab ng Lomboy, Binmaley.

Sugatan naman sina Donato Cabanilla, 50, ng Barangay San Leon, Umingan.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Nasa Christmas party si Limjoco at Cabanilla sa covered basketball court sa Umingan nang pagbabarilin ng tatlong katao, Sabado ng gabi.

Namatay agad si Limjoco at dinala si Donato sa pagamutan.

Pauwi naman si Fernando sa bahay sakay na motorsiklo nang pagbabarilin sa Basing Binmaley at siyang ikinamatay nito.