Ni Mary Ann Santiago

Tigok ang isang 15-anyos na lalaki nang barilin ng 17-anyos niyang kaalitan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Apat na araw naging kritikal bago tuluyang nalagutan ng hininga si Jerry Mel Baguio, 15, estudyante ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education, at residente ng Building 24, Aroma Temporary Housing sa Tondo.

Habang arestado naman at nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms ang 17-anyos na suspek, ng Building 24 Extension.

Eleksyon

Sen. Koko Pimentel, tatakbong kongresista sa 2025

Sa ulat ni SPO4 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), binaril ng suspek ang biktima sa tabi ng Building 24 Extension, malapit sa bahay ng suspek, dakong 12:30 ng gabi nitong Disyembre 6.

Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima upang malunasan, ngunit nasawi rin dakong 11:05 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay Balinggan, sa hindi batid na dahilan ay nag-away ang biktima at ang suspek at nauwi sa pamamaril.