LOS ANGELES (Reuters) – Kabilang ang press freedom movie na The Post, gay romance na Call Me By Your Name, World War Two film na Dunkirk at superhero movie na Wonder Woman sa 10 pelikula ng taon na pinili ng American Film Institute (AFI) nitong Huwebes, sa listahan na posible ring maging laman ng high-profile awards shows ng Hollywood sa susunod na taon. Pasok din sa taunang listahan ng AFI ang racial psychological thriller na Get Out, coming-of-age drama na Lady Bird, fantasy romance na The Shape of Water, romantic comedy na The Big Sick, dark comedy na Three Billboards Outside Ebbing, Missouri at social drama na The Florida Project.
Ang listahan ng AFI ay non-competitive at walang overall winner. Pinili ang mga pelikula dahil isinusulong nila ang “ art of the moving image, enhance the rich cultural heritage of America’s art form, inspire audiences and artists alike and make a mark on American society,” saad sa pahayag ng AFI.
Inihayag ang listahan habang naghahanda ang Hollywood sa awards season at nominations sa susunod na linggo para sa Golden Globes at Screen Actors Guild awards. Ang Oscar nominations ay ipapahayag sa Enero. Saklaw ng AFI list ang wide range of movies mula sa personal, political, racial at women’s issues. Ang Lady Bird at Wonder Woman ay parehonh idinirehe ng babae, samantalang ang The Big Sick, The Shape of Water at Get Out ay isinulat at idinirehe ng people of color. Pumili rin ang AFI ng top television shows of the year, na kinabibilangan ng medieval fantasy na Game of Thrones ng HBO, female-led drama na Big Little Lies, 1980s science-fiction series na Stranger Things ng Netflix at dystopian thriller na The Handmaid’s Tale ng Hulu.