Ipinagmalaki ng Quezon City na halos 85 porsiyento ang ibinaba ng mga insidente ng sunog sa siyudad ngayong taon kumpara noong 2016.
Ayon kay Quezon City Fire Marshall Senior Supt Manuel M. Manuel, nasa 235 ang naitalang sunog sa lungsod simula Enero hanggang Nobyembre 2017, kumpara sa 350 naitala sa kaparehong panahon noong 2016.
Iniulat din ni Manuel na apat na katao ang kinasuhan ng arson sa korte ngayong taon, at apat din ang naharap sa kaparehong kaso noong 2016.
Sinabi ni Manuel na ang mahusay na paglilingkod ng mahigit 500 tauhan ng Quezon City Fire District ay bunsod na rin ng malaking suporta ng pamahalaang lungsod ni Mayor Herbert Bautista sa kagamitan at milyong pondo na inilaan sa fire department.
Ayon kay Chief. Insp. Rosendo Capellan, sa kasalukuyan ay may 31 high-tech fire trucks ang siyudad, kabilang ang pitong ibinigay ng pamahalaang lungsod.
Sa fire inspection, sinabi FO3 Jun Sta. Maria na nasa 58,425 business establishment ang mayroong Fire Safety Inspection Certificate (FSIC), habang nasa 20,078 ang wala pa nito. - Jun Fabon