Tinatayang aabot sa 100,000 pamilya na pawang informal settlers, ang maaapektuhan ng North-South Railway Project (NSRP) ng Philippine National Railway (PNR), na sisimulan sa susunod na taon.

Tiniyak naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ire-relocate ng pamahalaan ang mga pamilya na maaapektuhan ng naturang proyekto.

Nabatid na nilagdaan na ng DOTr ang kasunduan kasama ang mga opisyal ng PNR, Presidential Commission on Urban Poor (PCUP), National Housing Authority (NHA), Social Housing Finance Corporation (SHFC), at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) para sa relokasyon ng mga maaapektuhang pamilya.

Sa ilalim ng kasunduan, maglalaan ng murang pabahay para sa mga apektadong pamilya. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?