A firefighter douses a smoldering pile of wood chips and mulch, sparked by a wildfire Friday, Dec. 8, 2017, in Fallbrook, Calif. The wind-swept blazes have forced tens of thousands of evacuations and destroyed dozens of homes in Southern California. (AP Photo/Gregory Bull)

VENTURA, Calif. (Reuters) – Tinupok ng malawakang sunog ang mga avocado farms, racehorse stables at isang retirement community sa Southern California nitong Biyernes, kahit na sinasang-ayunan ng panahon ang mga bumbero na apulahin ang apoy o pabagalin ang pagkalat ng anim na pangunahing sunog.

Tinataya ng mga forecaster na magpapatuloy ang ganoong uri ng panahon na susubok sa 8,700 bumbero, na limang araw nang umaapula ng sunog, mula sa San Diego hanggang sa Pacific Coast papunta sa Santa Barbara County. Kumitil ang sunog ng isang tao, at puminsala sa 500 istruktura, samantalang sugatan ang anim na katao, at apat na bumbero.

“The weather moderated today and the milder winds allowed for an increase in the number of both helicopters and air tankers that could safely complete mission dropping water and fire retardant, as well as conducting reconnaissance tasks,” saad ng Ventura County Fire Department sa website nito, nitong Biyernes ng gabi.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM