NALALAPIT na sa world title fight si NABF super flyweight champion Aston Palicte ng Pilipinas matapos mapanatili ang kanyang titulo nang mapatigil sa 5thround si dating interim WBA light flyweight titlist Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico sa Round Rock Sports Center, Round Rock, Texas sa United States.

Tiyak na aangat si Palicte sa world ratings sa kanyang pagwawagi lalo’t No. 3 siya sa WBO, No. 6 sa IBF, No. 9 sa WBC at No. 12 sa WBA sa super flyweight division.

Sa panayam ng Philboxing.com, sinabi ng manedyer ni Palicte na si Jason Soong na posibleng labanan ni Palicte si WBO No. 1 Rex Tso sa eliminator bout para magkaroon ng karapatang hamunin ang kampeong si Japanese Naoya Inoue.

“Palicte’s actual height, weight and reach advantages meant a great deal in his victory. Rodriguez, a typical ‘Mexican slugger’ came straight forward to Palicte the whole night disregarding perhaps the counter punches coming his way as he searched for ways to negate the advantages of Palicte,” ayon sa ulat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“But in doing so, Palicte, following (trainer) Rodel Mayol’s instructions, kept on sticking and landing his jobs followed by his straight rights, right hooks and uppercuts. That went on all night scoring points for the champion,” dagdag sa ulat. “Then came the fateful right upper cut right on the button followed by a straight that hit the gloves but still carried a lot of power.”

Nang bumagsak si Rodriguez sa 5th round ay nagpilit lamang itong makatindig, ngunit nahalata ng referee na masyadong groggy kaya itinigil ang laban para ibigay ang panalo kay Palicte.

Napaganda ni Palicte ang kanyang rekord sa 24-2-0 na may 20 panalo sa knockouts samantalang si Rodriguez ay bumagsak sa kartadang 32-6-0 na may 19 pagwawagi sa knockouts. - Gilbert Espeña