Nagbuga na naman ng abo ang Mount Kanlaon kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volanology and Seismology (Phivolcs).

Sa report ng Phivolcs, dakong 9:47 ng umaga nang magkaroon ng ash explosion, kasabay ng pagdagundong ng bulkan, na ikinaalarma ng mga residente.

Kaugnay nito, mino-monitor din ng mga tauhan ng Phivolcs ang aktibidad ng bulkan dahil may posibilidad umanong muli itong mag-alboroto.

Umapela rin ang Phivolcs sa mga residente at turista na huwag magpumilit na pumasok sa permanent danger zone dahil sa panganib na maaaring idulot ng bulkan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa tala ng Phivolcs, huling pumutok ang bulkan noong Agosto 10, 1996, at tatlo sa 24 na mountain climbers ang nasawi. - Rommel P. Tabbad