Ni NORA CALDERON

PURING-PURI ni Jane Oineza ang director nilang si Ian Lorenos sa grand presscon ng Haunted Forest, ang only horror movie na official entry sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25 in cinemas nationwide.

Jane Oineza
Jane Oineza
“Lahat po kami ng mga kasama ko, sina Jameson Blake, Maris Racal and Jon Lucas, ay napaiyak sa tuwa nang malaman naming nakapasok ang movie namin,” sabi ni Jane. “Ito pa talaga ang ipinangangako namin sa inyo na sisigaw kayo kapag napanood ninyo. Kasi ganoon po ang nangyari sa amin nang mapanood namin ang movie. Sigaw po kami nang sigaw.

“Noong ginagawa po namin, wala naman kaming na-experience na natakot kami. Pero dahil mahusay ang director namin, nagawa niya talagang gumawa ng mga eksenang matatakot ang mga manonood.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matatandaang na-link si Jane sa basketball player na si Jerron Teng pero ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon dahil matagal nang nangyari iyon. Mas gusto pa niyang pag-usapan ang boyfriend niya ngayon, si Kyle Secades na dati niyang kasama sa Pinoy Big Brother. Hindi nga siya tumanggi nang tanungin kung sila na ba ni Kyle.

Sa Haunted Forest, gagampanan ni Jane ang role ni Nika, anak siya ni Raymart Santiago. Pumunta sila ng probinsiya mula sa Manila, dahil doon na-assign na magtrabaho ang ama. Nag-stay sila sa pinsang si Mitch (Maris) at nakilala niya roon ang mga kaibigan nito, sina Andre (Jon) at PJ (Jameson). Doon nalaman ni Nika na may monster na tinatawag na sitsit na gumagala sa lugar na nangunguha ng mga babae. At isa sa magiging biktima nito si Nika. Doon na magsisimula ang mga katatakutan sa lugar.

Busy ngayon si Jane sa paggawa ng movies, katatapos lang ipalabas ang Bloody Crayons na isa ring horror movie. Ang Haunted Forest ay panibagong break na ibinigay sa kanya ng Regal.

Pero may wish si Jane, ang sana’y muli siyang mabigyan ng teleserye ng ABS-CBN na mother network niya.

Mahusay na actress si Jane na bata pa ay nakatanggap na ng best child actress award at hanggang ngayon ay kita pa rin ang kahusayan niya sa pagganap. Breadwinner ng pamilya si Jane, kaya gusto niyang magkaroon pa ng maraming projects.

Nag-imbita rin si Jane sa opening day pa lamang ng MMFF dahil ang Haunted Forest ang tiyak na magugustuhan ng mga manonood na mahilig sa horror movies.