NAKATAKDANG ilabas ng International Basketball Federation (FIBA) Central Board ang desisyon para sa napiling dalawang finalist para maging host sa 2023 FIBA World Cup.

Nakatakda ang pagpupulong ng Board sa Geneva, Switzerland nitong Sabado ng umaga (Sabado ng gabi sa Manila).

Kabilang ang Philippine-led consortium kasama ang Japan at Indonesia sa nakikipag-bid laban sa Argentina at Uruguay.

Ayon sa mensahe ng Samahang Basketbol sa Pilipinas (SBP), ipakikita ng Pilipinas sa final program ang consensus ng hosting sa bansa sa harap ng FIBA Central Board.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pangungunahan ni SBP Chairman Emeritus Manuel V. Pangilinan ang pagkumbinsi sa Board para makuha ang hosting rights.

“The bid from the consortium offers FIBA an exciting opportunity to bring the sport’s pinnacle event to the fastest growing region in the world where our combined population of over 500 million is ready to embrace the sport of basketball, where we will work with FIBA to realize the sport’s vision to make basketball the most popular sports community -- to have more people playing in more places, more often,” pahayag ni SBP secretary general Sonny Barrios.

“Here’s praying our country gets it. It’s the single priceless legacy I could leave Philippine basketball,” sambit ni Pangilinan.

Makakasama ni Pangilinan sina Japan’s Yuko Mitsuya at Indonesia’s Erick Thohir na kapwa miyembro ng FIBA Central Board ba pinamumunuan ni Argentinian Horacio Muratore.

Sa report, gagawin ang World Cup sa makasaysayang Smart- Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City; Mall of Asia Arena sa Pasay City; at ang Philippine Arena sa ocaue, Bulacan. Nakalista naman sa Japan bilang venue ang Okinawa.

Naging host ang Argentina sa inaugural FIBA World Cup noong 1950 at in 1990, habang huling naging host ang Pilipinas noong 1978.