Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki, na umano’y miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang, sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 50, nasa 5’6” ang taas, may tattoo na “Sputnik” sa kanang hita, at nakasuot ng itim na T-shirt at camouflage na shorts.

Sa ulat ni PO2 Ahrens Comaad, ng Taytay Municipal Police Station, nadiskubre ang bangkay sa Ejercito Avenue, sa Barangay San Juan sa Taytay, bandang 6:45 ng umaga.

Nagdi-jogging si Hermoso Francisco, 59, mula sa kanyang tahanan sa Cainta, Rizal patungong Tapayan Bridge at pagsapit sa naturang lugar ay napansin ang bangkay at ini-report sa pulisya.

Pasabog ni Sen. Imee: Bagong impeachment case kontra kay VP Sara, ikakasa sa Feb. 6!

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng biktima gayundin ang sanhi ng pagkamatay nito. - Mary Ann Santiago