Armie Hammer. (Photo by Chris Pizzello/Invision/AP)
Armie Hammer. (Photo by Chris Pizzello/Invision/AP)

HUMINGI ng paumanhin si Armie Hammer kay Casey Affleck, matapos niyang sabihan si Affleck na “double standard” dahil sa maling nagawa nito sa entertainment industry.

Nagkomento si Hammer sa Hollywood Reporter story, at isiniwalat na naakusahan si Affleck ng pangmomolestiya ng mga crew habang ginagawa ang pelikulang I’m Still Here noong 2010, ngunit nagwagi pa rin sa Oscar para sa Manchester by the Sea ngayong taon, at ang direktor ng Birth of a Nation naman na si Nate Parker ay nagulo ang karera dahil sa akusasyon ng pangmomolestiya.

Nitong Biyernes, naglabas ng apology si Hammer sa The Hollywood Reporter. “I would like to sincerely apologize to Casey and his family for my recent comments about him in my THR interview,” ani Hammer. “Without knowing the facts about the civil lawsuits at issue (which I now understand were settled), I misspoke. I conflated sexual harassment cases with a criminal case involving sexual assault charges.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong 2010, sinampahan ng dalawang kaso si Affleck dahil sa akusasyon ng misconduct habang ginagawa ang pelikulang I’m Still Here, isang dokumentaryo tungkol sa actor-turned-rapper na si Joaquin Phoenix.

Sa isa pang kaso ni Affleck, inakusahan ito ng pagtawag sa kababaihan ng “cows” at nag-utos sa isang crew member na gawing katatawanan ang sarili. Kaugnay nito, inihayag ng I’m Still Here cinematographer na si Magdelena Gorka na nagbiro si Affleck na dapat ay makipagtalik ito sa camera assistant, at nang minsan ay nagising ito habang natutulog na katabi na si Affleck, na nakasuot ng T-shirt at underwear, habang hinahaplos ang kanyang likod.

Bagamat dinidinig sa korte ang mga kaso at naayos na, kamakailan ay muling nabuhay ang interes ng publiko sa isyu. Matatandaang inilunsad ng filmmaker na si Cameron Bossert ang petisyon para sa Academy of Motion Pictures Arts and Sciences na huwag nang imbitahan si Affleck sa Oscars ngayong taon dahil sa akusasyon. Napag-uusapan din ulit ang pagkakaaresto kay Parker at sa kaibigan nito at sa pangmomolestiya umano sa hindi pinangalanang Penn State classmate noong 1999. - The Wrap