BONSALL, California (AP) — Nauwi sa trahedya ang pangkaraniwang araw para sa pagsasanay ng mga pangarerang kabayo nang masunog ng buhay ang ilang thoroughbreds sa isang training facility bunsod nang malawakang ‘forest fire’ sa Southern California.

Wala nang nagawa ang mga trainers at tagapangalaga ng mga kabayo dahil sa laki ng apoy kung kaya’t pinakawala na lamang nila mula sa kulungan ang mga kabayo.

Nagtakbuhan kanya-kanya ang mga kabayo at ang ilang natuliro ay diretsong napatungo sa pinagmulan ng apoy at ang iba’y hindi na nagawang makalabas ng kanilang kwadra.

Ayon sa mga tagapamahala ng San Luis Rey Downs, umabot sa 40 kabayo ang namatay bunsod nang hindi makontrol na apoy sa San Diego forest nitong Huwebes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Anila, makapanindig balahibo ang mga tagpo habang kanya-kanya ng diskarte ang mga kabayo at trainers para makaligtas sa sunog.

“I was heading to my barn to drop my equipment off and I smell smoke,” pahayag ni trainer Kim Marrs. “Within two minutes, I look up the hill and you could just see it come up over the ridge.”

Nagawa pa nilang apulahin ang apoy bago dumating ang mga bombero, ngunit tuluyang kumalat ang apoy kung kaya’t napilitan na silang pakawala ang may 450 kabayo sa kanilang pangangalaga.

“The next thing, there’s a stampede of 100 horses coming through here,” sambit ni Marrs. Sa kabila nito, nagawa niyang mailigtas ang 5-taong alaga na Spirit World na kanyang natadal sa isang tunnel. “We almost got trampled to death.”

Hindi naman pinalad ang trainer na si Cliff Sise na mailigtas ang kanyang 2-year-old filly na Scat Home Lady.

“She was one of my favorites,” ayon kay Sise.

Ang naturang pasilidad ang pinakamalaking training center sa Southern California na kayang mangalaga ng mahigit 500 kabayo. Kabilang sa naging produkto nito ang “Home of Azeri,” tinanghal na US Horse of the Year noong 2002.

Dito rin nagsanay ang Kentucky Derby winner na Ferdinand.