Ni Zaldy Comanda
yon ang isang physical education teacher na inireklamo na nanuntok ng estudyante sa bayan ng Mayoyao, Ifugao.
Nagtungo sa Mayoyao Municipal Police Station si Rosemarie Bataon Lagayan, ina ng 16 taong bata na nasa Grade 10, para ireklamo ng pag-aabuso si Laurice Lunag Numbalin, 28, PE teacher sa Assumption Academy.
Sa pahayag ng bata, noong Disyembre 4, matapos ang flag raising sa paaralan, ay pinagsabihan sila ni Numbalin na pumasok sa classroom para sa isang hair cut inspection.
Sa inspection, iniutos ng guro sa bata at classmate nito na lumabas ng campus at magpagupit bago maka-attend ng klase.
Sumunod ang dalawa.
Matapos ang klase, tinanong ni Numbalin sa dalawang estudyante kung bakit pumasok sila sa klase na hindi nagpagupit at hindi kumuha ng admission slip.
Nagalit umano ang guro at hinila ng buhok ng bata at sinuntok sa tiyan.
Nagsumbong ang bata sa ina. Nang puntahan ng ina ang guro, hindi siya pinansin nito. Matapos magreklamo ang ina sa pulisya, hindi na nagpakita ang titser sa paaralan.