Itinalaga si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Oktubre 26, kapalit ni retired Gen. Eduardo Ano. Nitong Disyembre 6, kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang appointment sa pinakamataas na posisyon sa AFP, kahit siya ay nakatakda nang magretiro sa Disyembre 17, sa kanyang ika-56 na kaarawan.
Ang dahilan ng nakatakdang pagreretiro ni General Guerrero sa Disyembre 17 ay ang Presidential Decree 1650 na inilabas ni Pangulong Marcos noong 1979 na nagsasaad na “upon attaining 56 years of age or upon accumulation of 30 years of satisfactory active service, whichever is later, an officer or enlisted man shall be compulsorily retired.”
Noong nakaraang Mayo, si dating Senador Alan Pete Cayetano ay nag-file ng Senate bill 1436 na nagpapanukalang amiyendahan ang edad ng pagreretiro sa 60. Ang kanyang sabi noon: “Recognizing their indispensable role as protectors of the state and its citizens, the government has heavily invested in the training and development of the officers and members of these agencies” — na ang tinutukoy ay ang AFP, ang Philippine National Police, ang Philippine Coast Guard, ang Bureau of Fire Protection, at ang Bureau of Jail Management and Penology. “We need to maximize their years of experience and wealth of knowledge, harness their leadership skills, and professional competence, until the age of 60.” Gayunpaman, ang bill ay hindi pa rin isinusulong magpahanggang ngayon.
Sa loob ng ilang linggong panunugnkulan sa tanggapan ng chief of staff ng AFP, si General Guerrero ay nakapagsumite na ng mga listahan ng panukala na nangangailan ng isabatas sa Congress, kabilang ang pagbabago sa retirement age at ang mga termino mga pangunahing service commanders at ng chief of staff. Sa ibang bansa, sabi niya, ang mga heneral ay karaniwang nagrerektiro sa edad 60. Ang military ng Pilipinas ay tiyak na makikinabang sa karanasan, karunungan, at pagiging dalubhasa ng senior officials kung sila ay magreretiro sa edad 56, dagdag niya.
Si Sen. Panfilo Lacson, sa suporta ni Sen. Gregorio Honasan, ang kumilos para sa rekomendasyon ng CA defense committee sa Commission on Appointments na aprubahan ang appointment ni Guerrero, bagamat alam nila na ang heneral ay may ilang linggo na lamang na nalalabi upang maglingkod. Nitong nakaraang Huwebes, naunawaan ni Pangulong Duterte ang kanilang punto. Pinahaba niya ang serbisyo ni General Guerrero hanggang Abril 24, 2018, upang mabigyan siya ng anim na buwang termino. Ang Pangulo ay may tanging karapatang na pahabain ang termino ng magreretirong chief of staff, lalo na at nagpapatuloy pa rin ang martial law sa Mindanao, sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Naagapan ng mabilisang aksiyon ng Pangulo ang maaga sanang pagreretiro ni General Guerrero. Dahil tiyak na mayroon pang mga ganitong mangyayari sa hinaharap, ang Kongreso ay kinakailangan nang pag-isipan ang pagsusulong sa panukalang batas na magpapalawig sa retirement age ng uniformed services sa 60 na siya naman talagang edad ng pagreretiro sa government civil service.