Ni Bert de Guzman

Titiyakin ng House Committee on Transportation, sa ilalim ni Rep. Cesar Sarmiento (Lone District, Catanduanes), na magiging maayos at ligtas sa sakuna ang mga school bus.

Isang technical working group (TWG) ang nilikha ng komiteng pinamumunuan ni Rep. Carlo Lopez (2nd District, Manila), na magsasaayos at magsasapinal sa House Bill 757 na inakda ni Rep. Emmeline Aglipay-Villar (Party-list, DIWA).

Layunin nitong ma-professionalize ang school bus system sa Pilipinas at obligahin ang mga may-ari ng bus na magkabit ng security features sa school buses.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Itinatadhana rin ng panukalang batas na bago isyuhan ng special license ang mga driver at conductor para makapagmaneho o magkapag-operate ng school buses, dapat makumpleto muna nila ang certification programs mula sa Department of Transportation (DOTr).

“This includes a course on basic first and emergency protocols; a course on security management; and a course on proper management and child behaviour”.