Ni Liezle Basa Inigo
CALASIAO, Pangasinan Pipiliting masungkit ng bayang ito ang titulong Largest Rice Cake Mosaic o Puto sa Guinness World Records.
Tatangkain ng municipal government na gibain ang world record sa pamamagitan ng paggawa ng tinatayang 200-square meter rice cake mosaic na idinisplay sa town plaza noong Biyernes, pahayag ni Melanio de Vera, chairman ng executive committee ngayon taon ng “Puto Festival.”
Umaasa ang mga opisyales dito na ang bayan ng Calasiao ay makapagtatala ng bagong world's largest rice cake mosaic record sa Guinness World Records.
Ang kasalukuyang may hawak ng record ay ang 113.96 square meter na rice ball mosaic art na ginawa sa Shibuya, Tokyo, Japan noong Marso 11, 2013, ayon sa opisyal ng Calasiao.
Halos daan din traditional puti makers at volunteers ang tumulong sa paghahanda sa rice cake mosaic na idinisplay sa plaza ng Calasiao.
Libong katao na dumagsa kabilang ang mga residente, balikbayan at bisita ang pinatikim matapos ang isinagawang documentation.
Kilala ang Calasiao sa masarap nitong puto na kung tawagin ay "white gold of Calasiao."