Ni NORA CALDERON

“HINDI totoo, Maine is not suspended,” sagot ni Mr. Antonio Tuviera nang tanungin tungkol sa kumalat na isyung suspended si Maine Mendoza sa Eat Bulaga nang hindi na ito mapanood sa noontime show simula December 1. “Humingi lang siya ng bakasyon sa akin and since malapit na rin ang Christmas break ng show, pinayagan ko na siya.”

Maine 1203 (1) copy copy

Kahit si Vic Sotto, nagsalita rin na hindi totoong suspended si Maine kundi nagbabakasyon lang.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Dahil daw ba sa pag-open up ni Maine sa open letter, isu-suspend na ng show at ng TAPE, Inc? Huwag daw maniniwala sa mga intriga na walang katotohanan.

Pati ang kumalat na isyung mabubuwag na ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine, hindi rin daw totoo.

Kung nagbabakasyon si Maine, si Alden naman ay tuluy-tuloy ang work. After ng advance taping niya ng isang episode ng Eat Bulaga for Christmas presentation, may event siya ng isang endorsement niya sa Araneta Coliseum at tumuloy pa siya, kasama sina Jose Manalo at Baeby Baste, sa Senate media Christmas party na ipinag-imbita sa kanila ni Senator Tito Sotto. Nakasama nila roon ang mga senador. Naglaro sina Jose, Alden at Sen. Tito at Sen. Gringo Honasan ng segment nila sa EB na “Jackpot En Poy” sa kasiyahan ng mga senador at ng Senate media.