Ni Nora Calderon

DAHIL usong-uso ngayon ang anumang bagay na Korean, minabuti ng GMA Network na gawing Korean ang theme sa annual Christmas party para sa media. Maging sa hashtag nilang #PaskongKapuso2017, may Korean characters.

ALEXANDER AT ANDY copy

Hosted by Betong Sumaya and Tetay, ang ilan sa GMA talents na nagbigay-saya sa entertainment press ay sina Glaiza de Castro, Gil Cuerva, Andrea Torres, Ivan Dorschner (na paborito ng entertainment press na panay ang papiktyur sa kanya), Bruno Gabriel, David Licauco, The Top at ang Korean actors ng My Korean Jagiya na sina Alexander Lee at Andy Ryu.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Excited sina Xander at Andy sa first time na pag-attend nila ng Christmas party dito sa atin, kaya kahit may taping sila ng rom-com series nila, dumaan sila sa event para ibigay ang award ng napiling winners ng Oppa at Jagiya of the night.

Na-interview ng konti si Andy na hindi marunong mag-English kaya si Xander ang naging interpreter niya. Two weeks pa lamang siya sa bansa at napapanood na bilang si Goon Woo sa My Korean Jagiya. Paborito rin ni Andy ang sinigang at halo-halo na ipinatikim sa kanya ni Xander. Nagkatawanan ang press nang tanuning ng hosts kung ano ang Tagalog word na natutuhan niya bukod sa ‘mahal kita’ at ang isinagot ay ang gay lingo na “echoserang frog.”

Na-interview rin si Glaiza na sa Korea magpapalipas ng Christmas, at pagbalik ay magsisimula na ng taping ng bagong afternoon prime drama niyang Costessa kasama sina Gabby Eigenmann at Geoff Eigenmann, Lauren Young, Jak Roberto at Chanda Romero. Ito ang ipapalit sa Ika-6 Na Utos kaya pinaghahandaan na nila nang husto. Sa first quarter ng 2018 sila mapapanood.

Maraming-maraming salamat GMA Network sa masarap na Korean dinner at sa mga ipinagkaloob ninyong pamasko sa lahat ng mga dumalong media workers.