Ni Rommel Tabbad

Kumambiyo kahapon si Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Edgar Galvante kaugnay sa paunang pagpapalabas ng mga rehistradong plaka ng mga sasakyan sa susunod na taon.

Ayon kay Galvante, ang mga behikulong nakarehistro noong nakaraang taon lamang ang mabibigyan nila ng plaka simula sa Marso, 2018.

Ito ay dahil hindi pa tinatanggal ng Commission on Audit (COA) ang Notice of Disallowance nito laban sa lumang kontrata sa mga nairehistrong plaka mula 2013 hanggang 2015.

Tsika at Intriga

Payo ni Kabayang Noli sa aspiring journalists: ''Hindi dapat huli sa mga balita!'

Nilinaw ni Galvante na ang bagong kontrata sa isang pribadong kumpanya nitong Disyembre 1, ay hiwalay sa naunang kontrata na pinirmahan noong 2013-2015. Sa ilalim ng bagong kontrata, ang LTO ang bibili ng makina para sa paggawa ng plaka.