NI Marivic Awitan

DINUROG ng College of St. Benilde ang Emilio Aguinaldo side, 11-1, upang pumailanlang sa tuktok ng standings habang na-upset ng Arellano University ang reigning titlist San Beda, 2-1, upang umangat sa No. 2 spot ng ginaganap na 93rd NCAA seniors football tournament sa Rizal Memorial pitch nitong Huwebes.

Pinangunahan nina Vincent Erik Lovitos at Daniel Caesar Liozo ang pananalasa ng Blazers sa first half pa lang upang solohin ang pangingibabaw sa taglay na 10 match points mula sa tatlong panalo at isang draw.

Bukod sa dalawa, umiskor din ng goal para sa CSB sina Renz Joseph Tulayba , Nicolas Ryan Cruz, Miguel Alfonso Artillera at Moisel Angelo Alforque.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakaiwas ang Generals sa shutout sa pamamagitan nina Luther John Contreras na umiskor sa injury time.

Ngunit, nasapawan ang kanilang panalo ng Arellano University, na bumangon mula sa one-goal deficit para agawin ang panalo sa injury time sa pamamagitan ng goals nina Roberto Corsame at Charles Gamutan.

Naka-goal si Mark Anthony Magtoto sa ika-61 minuto at tila hawak na ng San Beda and panalo makaraang mapreserba ang lamang hanggang extra time.

Ngunit, naitabla ni Corsame ang laban sa ika-91 minuto bago nakaiskor si Gamutan ng match-clinching goal, dalawang minuto ang nakalipas.

Bumagsak ang San Beda, nagmamay -ari sa 14 sa huling 16 na titulo sa liga sa ikatlong puwesto na may 6 na puntos, dalawang puntos ang kalamangan sa Lyceum na namayani naman sa University of Perpetual Help, 1-0 .