Ni Mina Navarro  

Isang four-lane highway ang itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mabawasan ang trapiko sa commercial district ng Alaminos City, Pangasinan.

Ang 1.861-kilometrong Alaminos-Bani Bypass Road Project sa pagitan ng Pangasinan-Zambales Road at Alaminos-Bani Road ay pakikinabangan ng mga maglalakbay papunta at mula sa maraming magagandang lugar sa kanlurang baybayin ng Pangasinan.

P28.120 milyon ang halaga ng kongkretong aspalto na daanan ay may pavement markings, pedestrian sidewalk, at solar lighting.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahang gaganda ang trapiko sa Alaminos na nagsisilbing gateway sa tourist spots sa Bolinao at Dasol, kabilang na ang Hundred Islands National Park sa Barangay Lucap, Alaminos.

Ayon kay DPWH Region 1 Director Ronnel Tan ang paggawa ng bypass road ay ipinatupad ng DPWH Pangasinan 1st District Engineering Office. Mas mataas ang daan sa “maximum recorded flood level” sa naturang lugar kaya hindi ito madaling bahain, ani Tan.

Sinabi ni Tan na sa pamamagtian ng bypass road magiging mas mabilis ang paglalakbay at madaling maibiyahe ang mga kalakal. Malaking katipiran din ito sa gasolina at maintenance ng sasakyan, dagdag niya.

Bubuksan ang bypass road bago ang pagdiriwang ng pista ng Alaminos.