HERO AT ALEX copy copy

MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon sina Alex Gonzaga at Hero Angeles bilang magkasintahang susubukin ng nakamamatay na sakit ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Nagkaroon man ng sakit sa bato at maliit ang tsansang mabuhay, ipinagsawalang-bahala ni Riza (Alex) ang kanyang karamdaman at ipinagpatuloy pa rin ang kanyang buhay na puno ng pag-asa.

Dahil sa positibong pananaw sa buhay, mababago ni Riza ang buhay ni Joel (Hero), isang mahiyain ngunit masipag na breadwinner ng pamilya. Dahil kay Riza, unti-unting natuto si Joel na pahalagahan ang sarili, at higit sa lahat — buksan ang puso para umibig.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Sa paglipas ng panahon, hindi nila inasahang lulubha pa ang sakit ni Riza at kakailanganin ang donor ng kidney para mabuhay. Sa sobrang pagmamahal sa kasintahan, nagprisinta si Joel na maging donor para kay Riza.

Pumayag kaya si Riza na ilagay sa peligro ang buhay ng minamahal para lamang mabuhay siya?

Makakasama nina Hero at Alex sa upcoming episode sina Allan Paule, Isay Alvarez, Simon Ibarra, Ynez Veneracion, Zeppi Borromeo, Mikylla Ramirez, Nikki Gonzales, David Chua, at Lao Rodriguez mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksiyon ni Theodore Boborol.