Ni PNA

MULING inilunsad ng iba’t iabng ahensiya ng gobyerno, sa pangunguna ng Department of Health (DoH), nitong Lunes ang “Oplan: Iwas Paputok” upang makamit ang layuning zero firecracker-related injury sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ginamit ni DoH Undersecretary Gerardo Bayugo ang oportunidad upang paalalahanan ang publiko hinggil sa Executive Order No. 28 tungkol sa regulasyon ng paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.

“The DoH recognizes that this campaign involves various agencies. Close collaboration and the conduct of strategic advocacy activities with different stakeholders is necessary,” lahad ni Bayugo sa pagdiriwang, na ginanap sa Antonio Maceda Integrated School sa Sampaloc, Maynila.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang kampanya, na kinabibilangan ng DoH-National Capital Region (NCR), Department of Education, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, pamahalaang lungsod ng Maynila, at EcoWaste Coalition, ay nagtataguyod ng mga community fireworks display, kung saan pawang eksperto lang ang magpapaputok sa halip na mga indibiduwal, upang mapababa ang bilang ng mga masasaktan dulot ng paputok.

Mula Disyembre 21, 2016 hanggang Enero 5 2017, may kabuuang 630 pagkasugat ang naitala ng DoH. Ang bilang ay 32 porsiyento, o 292 kaso, na kakaunti kumpara noong nakaraang taon, at 34 na porsiyento o 319 kaso, na mas mababa mula noong 2011 hanggang 2015.

Sa 630 injuries noong nakaraang taon, 627 ay mula sa pagpapaputok ng fireworks, habang ang tatlo ay dahil sa pagkonsumo ng paputok.

Kahit na bumaba, target ng DoH ang zero injury mula sa mga paputok.

Hinihikayat din ni Bayugo ang lahat na dumalo sa community fireworks displays sa kani-kanilang barangay.

“In the unfortunate event of an injury, seek immediate medical treatment,” payo ni Bayugo.