Ni Nitz Miralles

MAY nag-react sa ipinost ni Yasmien Kurdi sa Instagram (IG) na, “World AIDS Day,” at “Prevent AIDS” na tamang-tama sa tema ng bagong afternoon soap na isa siya sa mga bida.

YASMIEN copy

Malabo lang kung para kay Yasmien o para sa kinaiinisang mga beki ang comment ng isang kuya na, “Be Kind to us” at “stop spreading this fucking disease”.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Napapanahon ang pagpo-post ni Yasmien ng tungkol sa World AIDS Day dahil sa naibalita na ang Pilipinas ang may pinakamaraming HIV+ patients sa buong Asya.

Ang naturang sakit ang tema sa soap na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na gaganap siya bilang HIV+ patient na naihawa nang ma-rape ang karakter ng isang HIV carrier.

“Very sensitive ang story ng soap, pero napapanahon at in-encourage ko ang lahat na panoorin kapag airing na. Ang dami nilang matututunan sa soap, ang prevention para hindi magkasakit at ituturo rin ang pagkakaiba ng HIV sa AIDS,” sabi ni Yasmien.

Kasama ang co-stars na kinabibilangan nina Mike Tan, Jackie Rice, Ina Feleo, Martin del Rosario, Charee Pineda, um-attend sila ng seminar to know more about HIV+ patients at sa taping, may consultant na laging present para i-guide sila at si Direk Neil del Rosario.

“Rape victim na naman ako rito, pero naka-move on, nakapag-asawa at nagkaanak. Late na nang malaman ni Thea (character niya) na HIV+ patient siya at masakit sa kanya ang thought na baka nahawa ang mga anak niya.

“Maraming agdadaanan si Thea at ang kanyang pamilya. Siguraduhin n’yong subaybayan ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka at sinisiguro naming hindi kayo magsisisi,” sabi ni Yasmien.