Ni Marivic Awitan

MAGSISIMULA ang pagtanggap sa renewal para sa Privillege Membership Cards (PMC’s) para sa 2018 Season mula Disyembre 11-16 ang Philippine Basketball Association (PBA).

Para naman sa mga bagong aplikante, maaari ng mag-apply simula Disyembre 18.

Mayroon ding ini-o-offer ang liga na 2018 PBA Conference Pass na nagkakahalaga ng P45,00.00 para sa Patron A seats at P35,000.00 para sa Lowerbox-B seats ng Araneta, MOA Arena at Cuneta Astrodome; P20,000.00 para sa Upperbox-A ng Araneta at Lowerbox-C seats ng MOA Arena at Cuneta Astrodome.

Ang Conference Pass holder ay may siguradong seat mula sa eliminations hanggang finals games ng conference.

Ateneo, nanawagang itigil na pag-atake sa kanilang student-athletes, managers

May limitado lamang na bilang ng conference passes.

Para naman sa PMC , nagkakahalaga ng P8,000.00 ang Premium/VIP, P7,000.00 para sa Patron seats ng SMART Araneta Coliseum at Special Ringside seats ng MOA Arena at Cuneta Astrodome. P5,000.00 para sa Patron C at Lowerbox A to C ng Araneta Coliseum at Courtside ng MOA Arena at Cuneta Astrodome.

Para sa lahat ng mga interesado at mga gustong mag renew ng kanilang PMC, mangyari lamang na tumawag at makipag-ugnayan kina Gerry Mesias o Nestor Noblejas sa PBA Ticketing Office sa telepono - 470-3258/59.