GEN. SANTOS CITY – Itinakda ang Mindanao Preliminary ng 1st PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup sa Disyembre 16-17 dito.
Itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan ni 8-division world champion Sen. Manny Pacquiao, ang torneo ay naglalayong makatuklas ng mga kabatan na may potensyal na maging bahagi ng National Team.
“This project will call for the nationwide development of the interest and participation in boxing as a sport,” sambit ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez.
Matapos ang aksiyon sa Gensan, lalarga ang Mindanao Quarter Finals sa Kidapawan City sa Pebrero 10-11, habang ang Mindanao Semi-Finals ay gaganapin sa Cagayan de Oro City sa Marso 3.
Host ang Davao City sa Mindanao Finals sa Marso sa 14 .
Magsisimula ang Luzon preliminary sa Enero 27-28 sa Sorsogon, habang ang Quarter Finals at sa Pebrero 24-25 sa Lucena City. Gaganapin ang Semi-Finals sa Marso 17 sa Pangasinan, habang ang Finals ay sa April 7 sa Baguio City.
Ilalarga naman ang Visayas preliminary simula February 3-4 sa Ormoc City, Quarter Finals sa Feb. 17-18 sa Bago City, habang ang Semi-Finals ay sa Marso 10sa Antique at ang Finals ay sa Maro 31 sa Maasin City.
Nakataya ang mga kategorya sa Junior Boys and Girls Division (15 to 16 yrs. Old are the Pinweight (44-46 kg.), Light flyweight (48 kg.), Flyweight (50 kg.), Light Bantamweight (52 kg.) and Bantamweight (54 kg.) while in Youth Boys (17-18 yrs. Old) are Light flyweight (46-49 kg.), Flyweight (52 kg.), Bantamweight (56 kg.), Lightweight (60 kg.) at Light Welterweight (64 kg.)
Ang Youth Girls (17-18) ay may apat na weight categories – Light Flyweight (45-48 kg.), Flyweight (52 kg.), Bantamweight (54 kg.) at Featherweight (57 kg.).
“No national boxers in the PSC roster will be allowed to join the tournament to give newcomers a chance to participate,” sambit ni Ramirez.