Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Sabik na ang pinakamagagandang babae sa daigdig na makita ang ganda ng Batanes ngayong Biyernes. Isa sa pinakasabik ay si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters.

miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters and Miss Universe 2016 Iris Mittenaere along with other 2017 Miss Universe candidates pose in front of the Rizal shrine yesterday.(Photo by ali vicoy)
miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters and Miss Universe 2016 Iris Mittenaere along with other 2017 Miss Universe candidates pose in front of the Rizal shrine yesterday.(Photo by ali vicoy)

Sa pagtitipon na inorganisa para sa mga kandidata ng Miss Universe, tourism officials, media, at mga tagahanga, ibinahagi ng newly-crowned beauty queen kung gaano siya kahanda na makita ang pinakamagandang atraksiyon sa Pilipinas.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sinabi ng South African beauty na inihanda na niya ang kanyang flat shoes upang masulit ang kanyang island experience.

“I went to go buy flat shoes to go and see the island. Right now, I’m very ready,” aniya.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Corazon Teo, hindi na rin makapaghintay ang mga tao sa probinsiya na makita ang mga kandidata.

“People in the provinces are over excited to meet up with the girls,” sabi ni Teo.

Nakatakdang bisitahin ng Miss Universe 2017 candidates, kasama si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, ang Batanes, Bohol, at Camiguin.

Sa unang mga panayam, sinabi ni Teo na ang pagbisita sa Pilipinas ay bahagi ng Bring Home a Friend (BHAF) project ng tourism agency.

Ang BHAF ay isang referral incentive program kung saan ang mga Pinoy o Philippine expats na mag-iimbita ng dayuhan na bisitahin ang bansa ay magkakaroon ng pagkakataon na manalo ng premyo. Pipiliin ang tatlong sponsors at invitees sa grand draw.

Ayon sa DOT-BHAF website, maaaring sumali sa Sponsors Category ay ang mga Pinoy na nasa edad 18-pataas; Pinoy na may dual citizenship na nakatira sa Pilipinas o abroad bilang residente o overseas contract workers na nasa hustong gulang; at foreigners (expatriates) na permanenteng nakatira sa Pilipinas o pansamantala, nang hindi bababa sa anim na buwan.

Maaari namang sumali para sa Invitees Category ay ang mga may foreign passport o dual citizenship na nakatira sa abroad ng hindi bababa sa anim na buwan; at nakapamasyal sa Pilipinas.

Para sa impormasyon, maaaring bumisita sa bringhomeafriend.online/pages/mechanics.