Ni NORA CALDERON
MUKHANG enjoy ang Korean actors na nagtatrabaho ngayon dito sa Pilipinas, sa first romantic-comedy Filipino-Korean series na My Korean Jagiya.
Nang umuwi sa South Korea ang mga unang nakasama ni Heart Evangelista at ni Alexander Lee, kinuha naman ng GMA-7 ang isa pang Korean actor na si Andy Ryu para maging third wheel ng love team ng serye.
Pumatok sa netizens ang pag-aaway nina Jun Ho (Xander) at Goon Woo (Andy) over Gia (Heart) at naglalabanan sila sa Twitter kung sino ang dapat talagang maging ka-partner ni Gia.
Last Saturday, inimbita ni Direk Mark ang mga artista niya ng My Korean Jagiya para sa private screening ng idinirehe niyang blockbuster movie na Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies ng APT Entertainment na pinagbibidahan nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Dumalo sina Xander at Andy na kasama ang girlfriend na Korean actress na si Kim Hye Jin na nasa bansa para dalawin ang boyfriend.
Napanood na si Hye Jin ng mga Pilipino nang ipalabas ng GMA-7 ang K-Drama niyang Iris. At tulad ng boyfriend, nakahanda siyang mag-stay rito kung may offer sa kanya.
Kaya ngayon, may mga nagri-request na isama na rin sa rom-com si Hye Jin para sila na ni Andy ang magkatambal at hayaan na lamang si Jun Ho para kay Gia, dahil mahal naman talaga nila ang isa’t isa. Bakit nga hindi, GMA-7?
Samantala ni-review ni Xander ang pinanood nilang movie at inamin na nagustuhan niya ito dahil fan siya ng zombie movies. Nagpasalamat siya sa imbitasyon ni Direk Mark at sabi niya: “This movie is A-MAZ-ING.” Hindi raw niya sinasabi dahil si Direk Mark din nga ang director nila sa rom-com, pero lagi raw siyang nagbibigay ng honest review ng mga pinapanood niya.
Nagustuhan niya ang plot, cinematography, ang actors, “the whole package proves that Philippine movie industry cannot be overlooked. Now I understand why this movie is Graded A.”
Madali raw intindihin ang movie maging ng foreigner na tulad niya dahil mahuhusay ang mga lola, kaya “you will laugh, get shocked, and even cry... Tried so hard to hold my tears. I became a fan of the Lolas, I regret not hugging them when I saw them in Sunday Pinasaya! Sayang! Oh, and that little girl who plays the granddaughter, I am a Big Fan of yours!!! Sooo impressed with her acting! Anyway, so proud of you, direk! Congratulations Direk Mark and the entire Trip Ubusan crew! This is a good zombie movie.”
Nagpasalamat si Direk Mark sa magandang review ni Xander. Si Shaira Mae dela Cruz na member din ng cast ay nagpasalamat sa panonood ni Xander ng movie nila, na two weeks nang pinipilahan sa mga sinehan nationwide.