Ni Fer Taboy

Tumaas na sa P2 milyon ang pabuyang ibibigay sa makapagtuturo sa mga suspek sa pamamaril at pagpatay kay University of Science and Technology of Southern Philippines (USTSP) President Dr. Ricardo Roturas sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Ayon sa pulisya, dinagdagan ng P1 milyon ang una nang alok na P1-milyon reward matapos ihayag ng Masonic Districts Region X—na binubuo ng Cagayan de Oro City, Camiguin at Misamis Oriental—na naglaan ito ng karagdagang P1 milyon upang mas mapabilis ang pagdakip sa mga salarin.

Una nang nangako si Mayor Oscar Moreno na magkakaloob ng P1 milyon pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaang nanggaling sa Christmas party si Roturas at pauwi na nitong Sabado ng madaling araw nang pagbabarilin at mapatay ng dalawang suspek sa Golden Glow Village, North Subdivision sa Barangay Upper Carmen, Cagayan de Oro City.