Ni LITO MAÑAGO

BUKOD sa akting, pagiging successful businessman/restaurateur, chef at concert producer, gusto ring pasukin ni Marvin Agustin ang pagdidirek.

MARVIN copy copy

Bilang paghahanda sa bagong larangang papasukin, apat na buwang binuno ni Marvin ang digital filmmaking crash course sa New York University (NYU).

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Bukod sa nami-miss kong umarte, I’m entering a new journey in my life which is directing. Isa ito sa mga dahilan ng pagbabalik ko sa industry pagkatapos kong mag-aral sa NYU. I’m still taking-up mga workshop. Alam n’yo naman ako kapag pinasok ko ang isang bagay, kinaka-adikan ko talaga. But at the same time, it pays off din kasi mas magi-enjoy ka kapag alam mo ‘yung ginagawa mo,” kuwento ng aktor sa grand presscon ng Kambal, Karibal kamakailan.

Ngayong bahagi siya ng kasisimulang Kambal, Karibal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, malaki ang posibilidad na mabigyan siya ng pagkakataong makapagdirek sa Kapuso Network.

“Mas okay sa movies and also TV series kasi ‘yun talaga ‘yung gusto ko. Baka sa GMA kasi may mga anthology kaming pinag-uusapan nina Tita Redgie (Magno, AVP for Drama). Baka pinaka-immediate, I might able to do Magpakailanman before I get to do ‘yung mga mahahabang project. Baka next year na ‘yon and at the same time kasi nagka-can pa kami rito for Kambal, Karibal kasi magki-Christmas break din eh. So baka next year na,” paliwanag ng aktor.

Inamin din ng dating ka-love team ni Jolina Magdangal na matagal na niyang pangarap ang maging direktor.

“Dati pa,” sagot ng nagbabalik-Kapuso. “Nu’ng 20s pa lang ako, gumagawa na ako ng mga music video. Gusto ko talaga kaya lang alam kong mahirap kung ikukumpara mo ito sa trabaho ng artista - ng actor to a director - they’re both challenging pero ‘yung challenge ng pagiging director is 100 times harder.

What inspired him to shift from acting to directing?

“Matagal ko nang gusto ito. Actually, I’ve been delaying ito kasi nag-negosyo, nagtayo ng restaurants and I still have my entertainment production.

“I’ve been delaying it and then parang nasa crossroads ako ng buhay ko nu’n, actually, ginagawa ko pa dati ‘yung My Super D, kami nina Dominic (Ochoa) ‘tapos sabi ko, ‘Ano’ng gagawin kong susunod sa buhay ko?’ Nagkukuwentuhan kami.

Inisip ko nu’n, do I pursue... but definitely, aalis ako nu’n, pupunta ako ng Amerika. It’s either I pursue culinary, further studies or filmmaking na. Parang kailangan ko nang mamili between the two. Mas pinili ko itong filmmaking,” paliwanag ni Marvin.

Bakit directing at hindi ibang propesyon?

“Pinakinggan ko ‘yung puso ko. Pinakinggan ko ‘yung... ano ba ‘yung gusto kong gawin kahit matanda na ako. Lumalabas kasi parang gusto kong mag-artista hanggang pagtanda ko. It’s something na kahit nakakapagod, hindi ako napapagod.

“‘Yung business, nakakapagod, eh. It’s a different kind of challenge. It’s a different kind of ‘high’ din sa sobrang sarap niyang gawin pero it consumes you, as in, pagod na pagod ako sa gabi na parang nabu-burned out ako. Hindi ako nabu-burned out bilang actor, or being in the industry kasi masaya. Dahil I deal with people na masaya kahit puyatan,” pahayag ni Marvin.