Ni JIMI ESCALA
NAKAUSAP namin ang kaibigan namin na may konek sa showbiz at nagkataong isa sa may katungkulan sa City Hall ng isa sa mga kilalang siyudad na sakop ng National Capital Region.
Ibinida niya sa amin ang isang actor at pulitiko na isa sa mga nanungkulan sa nasabing siyudad.
Ayon sa kanya, sobrang maangas raw ang actor na para bang ang pakiramdam ay mas mataas ang posisyon nito kumpara sa mga kasamahan.
“Sa totoo lang naman, eh, kamuntik na nga siyang matalo sa nakaraang eleksiyon, kulelat siya,” sey ng source namin.
Madalas daw namang absent sa session ang actor/pulitiko na ang ikinakatwiran ay pag-iikot daw sa distritong hawak nito pero ang totoo raw ay nagbababad lang naman sa casino.
“Kaya nga, tanungin mo ang mga kasamahan niya, bibihira siyang dumalo sa mga session at ang siste sa magdadalawang taon na niya sa puwesto niya, eh, wala pa rin siyang naipasang resolution,” litanya pa ng source.
Dahil daw malakas at kapartido ng may mataas ng posisyon ay nabigyan ng magandang komite ang aktor/pulitiko na may kinalaman din naman sa pagiging alagad ng sining.
Pero ayon sa source, marami ang nadidismaya sa actor dahil wala man lamang naipapasa ni isang batas.
“Sa totoo lang naman kung merong dapat magpa-rehab sa mga kasamahan niya, eh, si_________ (actor/politician) ‘yun.
Halata na siya sa mga ‘kinikilos niya. Malakas lang talaga ang kapit niya sa itaas,” pambubuking pa ng source.
Sino s’ya? Hulaan....