Ni Beth Camia

Itinakda ng Korte Suprema, na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET), sa Pebrero 2018 ang muling pagbibilang ng mga boto kaugnay ng election protest na inihain ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Sakop ng ballot recount ang tatlong pilot province, na kinabibilangan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental, na pinili ni Marcos dahil dito umano mapatutunayan ang iregularidad na inilahad niya sa kanyang protesta.

Ayon sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, unang rerebyuhin ang mga balota mula sa kinukuwestiyong clustered precincts sa Camarines Sur, na home province ni Robredo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kukuhanin umano ang mga balota sa lalawigan sa Enero 22, 2018 habang ang recount ay isasagawa sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Isusunod kaagad dito ang mga balota mula sa Iloilo at Negros Oriental.

Kapwa naman nagpahayag ng kumpiyansa ang magkabilang kampo na papabor sa kanila ang resulta ng voting recount.