Ni LITO MAÑAGO

INAABANGAN ng BiGuel fans ang paglabas ng character nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa teleseryeng Kambal, Karibal ng GMA Network.

MIGUEL AT BIANCA copy copy

Bidang-bida sina Miguel at Bianca sa primetime serye dahil sa kanilang dalawa iikot ang istorya. Ito ang pangatlong primetime series ng BiGuel tandem pagkatapos nilang umapir sa Once Upon A Kiss na sinundan ng Mulawin vs Ravena na pawang certified TV hits.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

“It will be a different Miguel and Bianca,” sabi ni Bianca sa isang interview. “Hindi na po ito ‘yung magiging usual na pa-sweet lang. It will be heavier, kung paano siguro namin ide-deliver ‘yung character.

“Every time naman na may bago kaming character ni Bianca, we make sure na iba ‘yung nakikita nila,” susog naman ni Miguel na matatandaang na-discover sa Starstruck Kids.

Masayang-masaya at thankful ang dalawa sa kanilang back-to-back projects.

Halos kasabay ng pilot episode ng Kambal, Karibal last week ang opening sa mga sinehan ng kanilang first movie together na Barbi D’ Wonder Beki na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros produced ng OctoArts Films at T-Rex Entertainment Productions.

Walang duda na silang dalawa ang pinakabagong prime stars ngayon ng GMA-7, inaalagaan sila nang husto at nakagagawa pa ng ibang proyekto sa labas ng kanilang mother studio.

Malakas ang fan base ng Biguel, isa sa top trending topic ang kanilang serye nang magbukas last November 27. Partida pa ‘yun, kasi hindi pa ipinapakilala ang kanilang karakter bilang Crisanta Bautista at Diego Ocampo pero marami na ang nag-aabang na mapanood sila sa TV screen.

Habang papalapit na ang pag-appear nila sa istorya ng Kambal, Karibal, masaya silang marami ang nagpo-post na hindi na pinapalampas ng kanilang fans ang show gabi-gabi dahil na rin sa exciting at unique na storyline nito.

Napapanood ang Kambal, Karibal weeknights sa Telebabad Block ng Siyete at kasama ng BiGuel ang bigating Kapuso stars na kinabibilangan nina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Jean Garcia, Rafa Siguion Reyna, Jeric Gonzales, Kyline Alcantara at maraming iba pa, mula sa direksiyon ni Don Michael Perez.