Ni Mina Navarro

Napigilan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagtatangka ng isang umano’y sindikato ng human trafficking na ilusot ang dalawang Chinese papuntang United Kingdom, gamit ang Maynila bilang jump-off point.

Sa ulat na tinanggap ni BI Commissioner Jaime Morente, ang mga pasahero ay kinilalang sina Lin Chen Hui, 29; at Chen Huajuan, 27, na naharang ng mga tauhan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Terminal 2 ng NAIA habang pasakay sa Philippine Airlines flight papuntang London.

“They earlier arrived as transit passengers from Dubai and were already at the boarding gate when the BI officers were alerted by airline personnel on their attempted departure,” ayon pa sa ulat.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nang ipakita ng mga pasahero ang kanilang Chinese passport sa pagsakay sa kanilang flight patungong Maynila ay inilabas nila ang kanilang tampered na Macau Special Administrative Region passports na gagamitin sana nila sa ilegal na pagpasok sa UK.

Iniutos ni Morente ang masusing imbestigasyon sa kaso, kasama na ang posibleng pagkakasangkot ng mga tauhan ng paliparan sa nabigong operasyon ng human trafficking.