Ni: Reuters

SA unang pagkakataon sa Amerika, isang babaeng sumailalim sa uterus transplant ang nagsilang ng sanggol, ayon sa mga opisyal ng ospital sa Dallas kung saan nanganak ang ina.

Ang pagsilang ng malusog na sanggol, na hindi isinapubliko ang mga detalye gaya ng petsa ng kapanganakan, kasarian at timbang, ay kinumpirma ng tagapagsalita ng Baylor University Medical Center.

Hiniling naman ng nagsilang na ina na huwag siyang pangalanan, ayon kay Craig Civale, tagapagsalita ng Baylor and Baylor Scott & White Research Institute.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bagamat ito ang unang pagkakataon na isang babaeng may transplanted uterus ang nanganak sa Amerika, ikalawang kaso na ito sa mundo, nang magsilang ang babaeng may kaparehong kalagayang medikal sa Sahlgrenska University Hospital sa Gothenburg sa Sweden, ayon kay Civale.

Inihayag ni Dr. Liza Johannesson, transplant surgeon sa Baylor, na bahagi ng grupo na nagsagawa ng unang womb transplants sa Sweden, sa Time magazine na umiiyak ang mga beteranong siruhano nang isilang ang sanggol. Ang Time ang unang nag-ulat ng panganganak nitong Biyernes.

Ibinigay ng isang 36-anyos na nurse, na may dalawang anak, ang kanyang uterus sa hindi pinangalang babae, ayon sa Time.

Pinag-aaralan na ang womb transplant program sa Baylor noon pang isang taon, at nakumpleto ng mga siruhano ang walo sa medical trial ng sampung transplant, ayon sa Time. Mula sa walo, tatlo ang pumalpak, at isa ang nagresulta sa pagbubuntis ng isang babae, iniulat ng magazine.

Aabutin ng limang oras ang pag-aalis ng malusog na matris sa isang babae, at limang oras din ang paglalagay nito sa babaeng hindi mabiyayaan ng anak.

Inihayag ni Johannesson sa Time: “A lot of people underestimate the impact that infertility can have on a person’s wellbeing. It can have such a profound impact.”