KABUUANG P6 milyon ang premyong nakataya sa mga karera na ililinya sa 45th Presidential Gold Cup sa Batangas, ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan.

pcso copy

Sa isinagawang launching nitong Biyernes sa Manila Golf and Country Club sa Forbes Park, Makati City, sinabi ni Balutan na P1 milyon ang inilaan para sa kampeon sa karera na raratsada sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Disyembre 10.

Nilagdaan nina Balutan at MMTCI President and Chairman Norberto Quisumbing Jr. ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa prestihiyosong karera.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ibininda rin ni Quisumbing na naglaan ng dagdag na P1M premyo ang Philippine Racing Commission (Philracom).

“As the most awaited and considered to be the premier event in the local horseracing industry, the PCSO is very pleased to stage the 45th Presidential Gold Cup through the initiative of the MMTCI,” pahayag ni Balutan.

“Through the horseracing we are able to help not only those who are in need of medical assistance but also those within the horseracing industry through jobs that it entails,” aniya.

Bahagi ng kikitain sa karera ay mapupunta sa charity program ng PCSO.