Ni Gilbert Espeña

TAMPOK ang mga pangunahing executive chess players sa bansa na magpapamalas ang kanilang husay at analytical skills sa pagtulak ng 2018 Philippine Executive Chess Championships sa Enero 27, 2018 (Metro Manila leg) na gaganapin sa Alphaland Mall sa Makati.

Mismong si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang magsasagawa ng traditional ceremonial moves kasama si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao.

Ang tournament registration fee ay P1,000 at dagdag na P1,000 para sa yearly membership fee.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakataya ang P5,000 para sa bawat leg champion, P3,000 sa second place at P2,000 sa third place.

May nakalaan ding na papremyo sa category winners para sa Top 1900 and below, Top 1800 and below, Top Unrated at Top Lady player.

Matapos ang Metro Manila leg, ang Philippine Executive Chess Championships ay dadako sa Cabuyao (Laguna), Davao, Boracay (Aklan), Cebu at Olongapo (Zambales) para sa provincial event.

Ang top two finisher sa bawat leg ay uusad sa Grand Finals schedule sa November 2018. Ang 20 finalists ay magtutuos sa isang single round-robin format.

May naghihintay na P50,000 sa grand champion. P30,000 at P20,000 naman ang matatangap ng second at third places, ayon sa pagkakasunod.

Si National Master Efren Bagamasbad ang Chairman ng screening committee. Ang Rate of play ay 25 minutes active time control format, na ipapatupad ang six o seven rounds Swiss sa bawat leg, depende sa bilang ng mga kalahok.

Para sa karagdagang detalye, makipag-usap kay NCFP director Atty. Cliburn Anthony A. Orbe sa kanyang FB account cliburnorbe.com o mobile number 09188974410.