Ni: Marivic Awitan

TUNAY na ipesyal ang kampanya ng Ateneo de Manila University Blue Eagles para makahimpil muli sa tugatog ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball.

la salle copy

Matapos ang bigong ‘sweep’ sa double-round elimination sa kamay ng karibal na La Salle Green Archers, nakipaglaban ang Blue Eagles at sa huli hindi nila binigo ang mga tagahanga at supporters, sa pangunguna ni PLDT big boss Manny V. Pangilinan.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“This is a team that’s quite special to me,” pahayag ni Pangilinan sa kanyang mensahe matapios ang ginawang Thanksgiving Mass sa Church of the Gesu sa Ateneo campus sa Katipunam, Quezon City.

“I’ve been exposed to basketball all my life, but this team has been special to me since my first game.”

Masugid na tagapagtaguyod ng basketball program ng unibersidad si MVP mula noong kalagitnaan ng dekada 2000.

Inayudahan niya ang recruitment ng mga players at hindi maikakaila ang kanyang ‘werpo’ sa makasaysayang five-peat ng Blue Eagles (2008- 2012) sa pangangasiwa noon ni coach Norman Black.

Ispesyal ang kasalukuyang batch ng Blue Eagles para kay Pangilinan dahil na rin sa pananatili ng mga itong mapagkumbaba sa gitna ng kanilang naranasang tagumpay na tinuldukan nila sa pamamagitan ng 88-86 panalo sa ‘do-or-die’ ng serye.

Dahil dito, pinagkalooban ng chairman ng SMART Communications Inc. ang bawat miyembro ng Blue Eagles ng iPhone X bilang insentibo.

“After five years of drought, the championship has finally returned… and let’s make sure it stays here,” pahayag ni Pangilinan.