Ni Reggee Bonoan

TRULILI kaya ang nalaman namin mula sa taga-GMA-7 na malapit nang magtapos ang programang Lola’s Beautiful nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na katapat ng Ikaw Lang Ang Iibigin nina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Kim Chiu?

PAOLO-WALLY-AT-JOSE-0715 copy

“Simula kasi nu’ng umere hindi pa nanalo sa ratings saka may sawa factor na siguro kasi, di ba, nasa Eat Bulaga rin sila kaya ganu’n,” kuwento ng source namin.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

E, talagang magsasawa ang manonood kung napapanood na nga ang tatlong lola bago umere ang EB. Kung baga, wala nang bagong ipapakita ang tatlo.

Pero in fairness, kumita ang pelikula nilangTrip Ubusan, huh.

Anyway, hindi na kasi makabitaw ang viewers sa Ikaw Lang Ang Iibigin habang gumagawa ng paraan si Carlos (Jake) na mawala ang tiwala ng kinikilala niyang amang si Roman (Michael de Mesa) sa tunay nitong anak na si Gabriel (Gerald).

Samantalang, napatay na ng tunay na ama ni Carlos na si Rigor (Daniel Fernando) ang taong nakakita sa aksidenteng pagkakatulak nito kay Victoria (Ayen Munji-Laurel).

Pero hindi pa rin lusot si Rigor dahil nalaman na ng anak nila ni Victoria na si Carlos na siya ang nakapatay sa ina dahil sinabi mismo ni Roman.

Kaabang-abang kung ano ang gagawin ni Carlos sa tunay na ama sa pagkakapatay nito sa taong nagbigay sa kanya ng tunay na pagmamahal simula bata pa siya.

Inaabangan naman kung ano ang gagawin ni Isabel (Coleen Garcia) kapag nalamang hindi pa rin nagbabago ang asawa at patuloy pa rin nitong ginugulo ang mag-asawang Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim).

At si Roman, huling baraha na ba ni Carlos ang pagbalik niya sa opisina oras na malamang sinasabotahe niya ang kumpanya ng tatay niya para masira si Gabriel?

Wala nang makabitiw sa Ikaw Lang Ang Iibigin araw-araw sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime.-