Ni Leonel M. Abasola at Mary Ann Santiago

Hindi mapipigilan ng mga malawakang kilos-protesta ang jeepney modernization plan ng pamahalaan sa susunod na taon.

Sa pagdinig kahapon ng Senate Public Service Committee, iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tuloy na ang programa ng pamahalaan na tanggalin ang mga lumang jeepnay sa kalsada.

“Tuloy ‘yung modernization. Sinabi na ng Presidente, bakit may ganoon pang tanong. You can do protest actions, but you must follow the law. You can do protest actions but you must give importance to the benefit of the majority, that’s the essence of democracy,” ani Tugade.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi na tuloy ang balak na dayalogo ni Tugade at mga kinatawan ng The Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at No to Jeepney Phaseout Coalition sa Huwebes. Ayon kay Senator Grace Poe, nakiusap sa kanya si Tugade na i-reschedule ang pulong sa susunod na Lunes.

Kinansela ng transport groups ang sana’y tigil pasada mula Disyembre 4 hanggang 5 dahil sa pagtiyak ni Tugade na haharap na siya sa kanila.